^

Metro

Pagawaan ng solvent sinalakay, 8 katao arestado

-
Sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na bahay na nagsilbing pagawaan ng solvent na nagresulta sa pagkakaaresto sa walong kalalakihan, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga nadakip na sina Vicente Labiana, 59; Aljenie, 18; Jomar, 19, na pawang mga anak ng una; Romy Perez, 28; Rolando Mediwa, 21; Mirasol Tibay, 40; Rosario Gonzales, 44 at Isagani Manatag.

Sa ulat ni Atty. Nestor Mantaring, deputy director ng Special Investigation Services ng NBI, isinagawa ang pagsalakay dakong alas-11 sa Saint Mary panulukan ng C.M. Recto St., Sta. Cruz, Maynila.

Apat na warrant of arrest ang nakuha ng NBI dahilan para lusubin ng operatiba ang nabanggit na kabahayan kung saan naaktuhan ang mga suspect na nagsasalin ng kemikal na toluean o mas kilala sa tawag na solvent sa mga botelya.

Nakumpiska sa mga suspect ang apat na containers na naglalaman ng nasabing kemikal, daan-daang botelya na naglalaman ng solvent at iba pang mga repacking equipments na umaabot sa mahigit sa P100,000.

Sinabi pa ni Mantaring na ibinabagsak ng mga suspect ang mga solvent sa mga squatter’s area sa Maynila at mga karatig nito pook kung saan ay ibinibenta ang isang botelya sa halagang P45.

Napag-alaman na ang toluean ang pangunahing sangkap sa paggawa ng rugby ngunit mas gusto ng mga adik na singhutin ito ng diretso dahil sa mas malakas na tama nito.

Kasalukuyan na ngayong nakaditine ang mga suspect sa NBI detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1619 o manufacturing and selling of volatile substance. (Ulat ni Danilo Garcia)

CRUZ

DANILO GARCIA

ISAGANI MANATAG

MAYNILA

MIRASOL TIBAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NESTOR MANTARING

RECTO ST.

ROLANDO MEDIWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with