Lider, 4 miyembro ng 'Bulabog Boys' timbog
January 14, 2004 | 12:00am
Pinaniniwalaang nalansag na ng pulisya ang isang grupo ng mga holdaper at hired killers na tinaguriang "Bulabog Boys" nang masakote ang lider ng grupo at apat nitong tauhan matapos ang isang engkuwentro, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Nakilala ang mga nadakip na sina Renante Senial, 27; Richard Pinto, 24 at ang kapatid nitong si Ricardo, 21; Willie Navarro, 37 at Ruben Advincula, 44, na sinasabing lider ng grupo.
Narekober sa mga suspect ang ibat-ibang uri ng baril.
Ayon sa pulisya, dakong alas- 3:30 ng madaling araw nang matunton ng mga awtoridad ang mga suspect na nagtatago sa Phase 8-B Package 3, Bagong Silang, Caloocan City.
Sinalakay ng pulisya ang pinaglulunggaan ng mga ito, pero bago pa man sila makalapit ay pinaputukan na sila ng mga suspect.
Dahil dito, napilitan ang pulisya na gumanti ng pagpapaputok hanggang sa maubusan ng bala ang mga suspect at nagpasya na sumuko na lamang.
Isa pang suspect na nakilalang si Jonnel Gonzaga ang nakatakas.
Ang grupo ni Advincula ang sinasabing sangkot sa serye ng holdapan sa Caloocan City at kadalasang target ay yaong mayayamang Intsik. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am