Motorcycle Gang sumalakay: 1 patay
January 13, 2004 | 12:00am
Muli na namang sumalakay ang kilabot na Motorcycle gang nang tambangan at holdapin ng mga ito ang isang Fil-Chinese na barangay chairman kung saan napatay ang driver nito, kahapon sa Sta. Ana, Manila.
Hindi na umabot ng buhay makaraang isugod sa Ospital ng Maynila ang nasawing driver na si Rolly Abardo, 33, habang sugatan naman sa naturang insidente sina SPO4 Carlito Jimenez, ng WPD Station 6; bystander na si Myla Lopez, 23 at ang 2-anyos na paslit na si Tintin Kibuyog.
Nakaligtas naman sa tiyak na kapahamakan ang target na si Chairman Emilio Chua ng Barangay Carmona, Makati City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pananambang dakong alas-12:45 ng hapon sa may kahabaan ng Calle 4 Del Pilar St., Sta. Ana, Maynila.
Napag-alamang apat na armadong suspect na nakasakay sa dalawang motorsiklo ang biglang humarang sa sinasakyang Mitsubishi Pajero nina Chua at agad na pinagbabaril ang driver na si Abardo.
Tinamaan naman ng ligaw na bala si Lopez na naglalakad noon sa naturang lugar habang nasapul rin ng bala sa hita ang batang si Tintin.
Hindi na ginalaw ng mga suspect si Chua nang kusa nitong ibigay ang isang envelope na hinihinalang naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng pera.
Unang nakaresponde sa lugar ang pulis na si Jimenez ngunit sinalubong na agad siya ng bala ng baril ng mga suspect at tinamaan sa hita.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspect dala ang nakulimbat sa biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended