Rambulan ng magkapitbahay: 1 patay, 1 grabe
January 12, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang 22-anyos na binata, habang nasa kritikal naman kondisyon ang ama ng una makaraang pagtatagain ang mga biktima ng kanilang kapitbahay na nakaaway kamakalawa ng gabi sa hangganan ng Sta. Ana, Manila at Mandaluyong City.
Binawian ng buhay habang gingamot sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Danielo Oquim, electrician, samantalang inoobserbahan naman ang ama nitong si Danilo, 46, kapwa residente ng Martinez St., Sta. Ana, Manila.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:45 sa boundary ng Martinez St., Punta, Sta. Ana, Manila at Gen. Kalentong St., Mandaluyong City.
Nabatid na una umanong nakabangga ni Irene, nakababatang kapatid ng nasawi ang suspect na si Junel Rinaced, nasa hustong gulang at kapitbahay ng mga biktima.
Dahil sa nasabing insidente ay agad na nagbigay saklolo ang dalawang biktima kay Irene subalit agad na sinalubong ang mga ito ng suspect ng taga sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan na ikinamatay ng binata.
Kaagad namang naaresto ang suspect ng mga rumispon- deng pulis at sa kasalukuyan ay nakakulong na ito sa detention cell ng Mandaluyong City Police at nahaharap sa kaukulang kaso. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended