Empleyado ginilitan sa Caloocan, patay
January 12, 2004 | 12:00am
Parang manok na ginilitan ng leeg ng isang di-nakikilalang suspect ang 22-anyos na empleyado ng isang kompanya ng mineral water, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang biktimang si Joel Baron, stay-in employee ng Onesimo Pure Water Distiller na makikita sa #135 Mabalacat Street, 6th Avenue ng nabanggit na lungsod.
Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng awtoridad para sa pagkakakilanlan at sa agarang ikadarakip ng suspect na agad na tumakas matapos ang isinagawang krimen.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:55 di-kalayuan sa pinapasukang establisimiyento ng biktima.
Nabatid na katatapos lamang makipag-inuman ng biktima at ng ilang mga kaibigan nito at papauwi na sana ang una nang makasalubong nito ang isang di-kilalang lalaki na umanoy masama ang tingin sa kanya na parang may binabalak na hindi kanais-nais.
Dahil dito ay sinita ng biktima ang naturang lalaki haggang sa magkaroon ng sagutan sa pagitan ng mga ito na nauwi sa habulan.
Ayon sa ilang mga saksi, nang magpang-abot umano ang dalawa sa isang eskinita ay agad na bumunot ng patalim ang suspect at walang sabi-sabing ginilitan nito sa leeg ang biktima.
Matapos ang isinagawang krimen ay agad na tumakas ang suspect patungo sa hindi mabatid na direksyon, habang ang biktima ay isinugod ng ilang mga by-standers sa nabanggit na pagamutan subalit binawian din ito ng buhay. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended