10 death convicts nasa isolation na ng NBP
January 12, 2004 | 12:00am
Inilipat na sa isolation area ng New Bilibid Prisons (NBP) ang sampung death convicts na nakahanay para isalang sa lethal injection chamber kung saan kinabibilangan ng dalawang kidnapper na sina Roberto Lara at Roderick Licayan na nakatakdang bitayin sa darating na Enero, 30, 2004.
Nabatid na noong Enero 9, 2004 pa inilipat sa isolation area ang mga ito kung saan ay wala umano silang kaalam-alam na nakatakda na silang isalang sa lethal injection chamber.
Ikinatwiran lamang umano sa kanila ng ilang mga opisyales ng NBP sa ginawang paglipat sa kanila sa isolation room ay upang magkaroon umano sila ng privacy.
Napag-alaman na walang patid ang pagdarasal ng mga nasa death row, habang sina Lara at Licayan naman ay naghihintay na lamang ng himala mula sa langit at umaasa na hindi na matutuloy ang pagbitay sa kanila sa Enero 30.
"Alam na nila marahil ang kanilang sasapitin dahil na rin sa kani- lang mga kamag-anak na nakabasa sa mga pahayagan at nakarinig ng balita tungkol sa nakatakdang pagbitay sa kanila," ayon sa isang mataas na opisyal ng NBP.
Magugunita na upang mailigtas lamang si Lara ay mismong si Monsenior Bobby Olaguer, chaplain ng NBP ang nagpaaresto kay Pedrito Mabansag.
Si Mabansag ay tiyuhin ni Lara na naaresto kamakailan ng pulisya kung saan inamin mismo nito na siya ang tunay na kidnapper at inako rin nito ang kasalanang ipinapataw kay Lara.
Nabatid na nagkita na si Lara at ang ina nitong si Benilda kung saan hinihiling nito kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na huwag ng ituloy ang pagbitay sa kanyang anak.
Ayon naman kay Bureau of Corrections Director Dionesio Santiago na maraming grupo ang kumakausap sa kanya upang huwag ng ituloy ang pagbitay sa dalawa sa darating na Enero 30.
Ngunit ikinatwiran lamang umano sa kanila ni Santiago na si Pangulong Arroyo lamang ang makakapigil nito dahil siya anya ay sumusunod lamang sa utos at handa na ang lahat para sa pagbitay sa mga ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended