^

Metro

Boxer tinarakan ng kaibigan, dedo

-
Hindi na matutupad ang pangarap ng isang amateur boxer na maging world champion nang masawi ito makaraang tadtarin ng saksak ng kanyang kainuman matapos ang isang pagtatalo nang hindi sumang-ayon ang huli na makikilala ang una sa buong mundo katulad ng kanilang idolong si Manny Pacquiao, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon sanhi ng mga tama ng saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Arjinel Villacarba, ng Block 21, Lot 57, Phase 2, Area 1, Kaunlaran Village ng nasabing bayan.

Sumuko naman sa Navotas Police ang suspect na si Augusto Panaligan, 33, walang trabaho ng Block 37, Sabalo St., Caloocan City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa Block 30, Phase 2 Area 1 ng naturang village.

Bago ang insidente nagkayayaang mag-inuman ang dalawa kung saan dala ng kalasingan ay ipinagyayabang ng nasawi na darating ang araw ay magiging kasinggaling siya ni Pacquiao at tatanghaling world champion.

Hindi naman nito napabilib ang suspect at bagkus ay kinantiyawan pa siya nito na ikinainis ng biktima.

Dahil dito, agad na sinuntok ng nasawi ang suspect na tumumba sa lupa subalit lingid sa kaalaman ng una ay nakadampot na ito ng patalim at sa pagbangon ay walang sabi-sabing inundayan ng saksak ang biktima.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima na hindi naman umabot pang buhay habang sumuko naman ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ARJINEL VILLACARBA

AUGUSTO PANALIGAN

BATAY

CALOOCAN CITY

KAUNLARAN VILLAGE

NAVOTAS POLICE

PAGAMUTANG BAYAN

ROSE TAMAYO

SABALO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with