Metro aide nanghablot sa loob ng mall,timbog
January 10, 2004 | 12:00am
Bagsak-kalaboso ang isang metro aide ng Metro Manila Development Authority matapos nitong hablutin ang kuwintas ng isang 4-anyos na paslit sa loob ng isang shopping mall, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Nakakulong at nahaharap sa kasong robbery ang suspect na si Jonathan Bonoan, 39, ng #516 Dulong Tangke St., Malinta, Valenzuela. Ayon sa salaysay ni Jinky Aguilar, tiyahin ng biktimang si Noel de Leon, ng 3rd Avenue, Caloocan, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa unang palapag ng Gotesco Grand Central sa Rizal Avenue Ext. ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan umanong namamasyal ang mag-tiya nang biglang lumapit ang suspect sabay hablot sa kuwintas ng bata bago mabilis na tumakbo papalayo. Agad namang nagsisigaw para humingi ng tulong si Aguilar kung saan narinig naman ito ni Rosendo Gagelonia, civilian guard ng shopping mall.
Mabilis na hinarang ni Gagelonia ang suspect na naging dahilan ng pagkakaaresto nito. Dinala sa himpilan ng pulisya si Bonoan kung saan nabawi naman ang kuwintas ng bata. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended