^

Metro

Tiyo ng death convict umaming siya ang may sala

-
Tatlong linggo na lamang bago sumapit ang takdang araw ng pagbitay sa kidnaper na si Roberto Lara muling nagkaroon ng bagong ‘twist’ sa kasong kinasasangkutan nito makaraang akuin ng tiyuhin nito ang kasalanan ng death convict at ihayag kung sino ang utak sa naturang kaso.

Upang mailigtas sa bitay ang pamangking si Lara, inako ng tiyo nitong si Pedrito Mabansag ang kasalanan nito.

Tahasang sinabi ni Mabansag na siya ang kidnaper at walang alam sa naturang kaso ang kanyang pamangkin. Kasunod nito isinigaw pa nito ang isang Rudy na umano’y siyang utak sa naganap na kidnapping.

Ibinunyag pa nito, na napilitan lamang aminin ng kanyang pamangkin na si Lara ang pagkakasangkot sa kaso dahil sa pinahirapan siya ng mga humuli ditong pulis noong 1998.

Si Mabansag ay nadakip naman ng grupo ng Mobile Group sa Bacolod kamakalawa.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Bureau of Corrections director Dionisio Santiago na itutuloy pa rin ang pagbitay kay Lara ngayong darating na Enero 30.

Ipinaliwanag pa nito na ang panibagong pagbubunyag ni Mabansag ay sasailalim pa sa mahabang proseso at hindi pa rin nakakatiyak na ito ay mapagbibigyan ng korte na muling malitis.

Kahapon ay nagsagawa na ng dry run ang New Bilibid Prison sa lethal injection chamber, bilang bahagi ng paghahanda nito sa darating na Enero 30. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BUREAU OF CORRECTIONS

DIONISIO SANTIAGO

ENERO

LARA

LORDETH BONILLA

MABANSAG

MOBILE GROUP

NEW BILIBID PRISON

NITO

PEDRITO MABANSAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with