^

Metro

GMA dumalo rin sa Quiapo

-
Isa si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa libu-libong mga deboto ng Nazareno na dumalo sa pagdiriwang ng pista ng Quiapo na taunang dinudumog ng mamamayan dahil sa paniniwalang ang imahen ng Nazareno ay mapaghimala.

Kasama sina Press Secretary Milton Alingod at Quiapo Minor Basilica Parish Administrator, dumalo ang Pangulo sa misa sa simbahan ng Quiapo dakong alas-9:25 ng umaga.

Nakasuot ng puting pantalon at guhitang blusa, ang Presidente ay nakihalubilo sa mga deboto ng Black Nazarene, bumati at kumamay sa makapal na taong dumalo sa misa.

Sa bisperas ng pista ng Quiapo, ilang pangkat ng pulisya ng naghanda sa seguridad ng Pangulo.

Ang mga sidewalk vendors na dati-rati ay nagtitinda sa gitna ng kahabaan ng Evangelista, Villalobos at Carriedo ay pinatabi ng mga awtoridad para maging malinis ang mga lansangang nakapaligid sa simbahan ng Quiapo. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

vuukle comment

BLACK NAZARENE

CARRIEDO

EVANGELISTA

ISA

LILIA A

NAZARENO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESS SECRETARY MILTON ALINGOD

QUIAPO MINOR BASILICA PARISH ADMINISTRATOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with