^

Metro

2 patay, 10 sugatan sa Quiapo fiesta

-
Dalawa ang iniulat na nasawi sa araw sa pagdiriwang ng pista ng Quiapo sa magkahiwalay na lugar, samantalang sampu pa ang malubhang nasugatan habang isinasagawa ang prusisyon kahapon sa lungsod ng Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Lito Cruz, na taga-Agoo, Marikina City matapos atakihin sa puso.

Samantalang isa pang nasawi ang hindi nakikilala at ito ay nagtamo ng tama ng bala ng baril habang naglalakad sa may overpass ng Quezon Boulevard dakong alas-5 ng madaling-araw. Binanggit pa sa ulat na maagang nagtungo sa Quiapo ang biktima para makalapit sa may simbahan ng Basilica of the Black Nazarene subalit hindi na ito nakaabot pa sa simbahan ng tamaan ng ligaw na bala.

Marami naman sa nasugatan ay naipit sa pagsisiksikan kabilang ang isang lalaki na nabalian ng buto sa dibdib, habang ang iba naman ay nagtamo ng gasgas at galos sa katawan.

Nabatid na umaabot sa mahigit 200,000 katao ang dumagsa sa Quiapo, Maynila karamihan ay mga deboto para iselebra ang Piyesta ng Nazareno.

Hindi pa man inilalabas ang Nazareno ay libu-libo nang deboto ang nakapaligid sa simbahan at eksaktong alas-2 ng hapon ay sinimulan nang iprusisyon ito.

Napag-alaman na nagsimula na ring magkaroon ng tulakan at gitgitan kung kaya may ilang mga nasugatan.

Marami pa ring mga deboto na karamihan ay mga kababaihan ang isinugod sa pagamutan matapos na himatayin dahil sa siksikan at sumabay pa ang matinding init ng araw. (Ulat nina Danilo Garcia at Gemma Amargo)

BASILICA OF THE BLACK NAZARENE

DANILO GARCIA

GEMMA AMARGO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LITO CRUZ

MARAMI

MARIKINA CITY

MAYNILA

NAZARENO

QUEZON BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with