^

Metro

Dengue alert itinaas uli sa Valenzuela City

-
Muli na namang itinaas ng Valenzuela City Health Office ang ‘dengue alert’ sa nasabing lungsod makaraang isa na namang 3-anyos na paslit ang nasawi matapos na dapuan ng nakamamatay na sakit, kamakalawa ng umaga sa nabanggit na lungsod.

Ang biktimang si Anthony Bein Lantoja, ng Area 5, Brgy. Gen. T. de Leon ng nabanggit na lungsod ay namatay habang isinusugod ng kanyang inang si Annabelle sa Valenzuela General Hospital dakong alas-11 ng umaga.

Nabatid na si Lantoja ang kauna-unahang biktima ng dengue na iniulat na nasawi sa taong ito.

Batay sa rekord ng Valenzuela City health Office, mula noong Marso, 2003 ay umabot sa 500 residente ang dinapuan ng nasabing nakamamatay na sakit kung saan pito sa mga ito ang namatay.

Sa panayam kay Dr. Antonio Olegario, health officer sa Valenzuela, mula noong Dec. 21, 2003 at hanggang sa kasalukuyan ay may 5 katao na ang iniulat na dinapuan ng dengue bukod pa sa nasawing si Lantoja.

Napag-alaman pa kay Olegario na sa kabuuang 32 barangay sa Valenzuela City ay may 24 na barangays na ang naaapektuhan ng dengue kung saan ang mga barangay ng Gen. T. de Leon, Karuhatan, Canumay, Marulas at Malinta ang lubusang apektado at dito nagmumula ang malaking bilang ng mga dinapuang residente.

Sa kasalukuyan ay inalerto ang mga residente hindi lamang sa posibleng paglaganap ng sakit na dengue kundi pati na rin ng sakit na Malaria na kapwa nakukuha sa mga kagat ng lamok na nagdudulot ng kontaminasyon sa dugo ng tao. (Ulat ni Rose Tamayo)

ANNABELLE

ANTHONY BEIN LANTOJA

BATAY

BRGY

DR. ANTONIO OLEGARIO

LANTOJA

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY HEALTH OFFICE

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with