2 Chinese drug trader tiklo
January 9, 2004 | 12:00am
Dalawang pinaghihinalaang Chinese big time drug traffickers ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasabay ng pagkakasamsam sa mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug-bust operations sa Quezon City.
Kinilala ni PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr. ang mga nasakoteng dayuhan na sina Johnny Hsu, alyas Johnny Codilla Co/ Hsu Liang Yu at Rich Chiang, alyas Chiang Li-Chi.
Ayon kay Avenido ang mga suspect ay natimbog ng kanyang mga tauhan matapos magdeliber ng ilegal na droga sa isa nilang posuer buyer sa isang fastfood chain sa EDSA/Kamuning sa nabanggit na lungsod dakong alas-5:30 ng hapon nitong Miyerkules.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspect ang may 519.26 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,038,520. Nasamsam din sa mga ito ang isang Toyota Revo na may plakang WBY-373 na ginagamit ng mga ito sa kanilang ilegal na operasyon.
Napag-alaman pa na ang mga nadakip ay matagal nang sumasailalim sa surveillance operations ng PDEA at kamakalawa ng ang mga ito ay matiyempuhan.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang paghaharap ng kaukulang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am