Arboran sa nadakip na 'carnapping queen' pinaiimbestigahan
January 8, 2004 | 12:00am
Galit na galit at masusing pinaiimbestigahan ni Manila Mayor Lito Atienza ang ilang matataas na opisyal sa WPD na nakialam para hindi maaresto ang tinaguriang carnapping queen sa Metro Manila na nakilalang si Bernadette Fernandez, 34.
Magugunitang dinakip kamakailan si Fernandez ng mga tauhan ni Col. Ernesto Ibay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Benjamin Aquino Jr. ng Malabon RTC Branch 73 subalit tumagal ito ng halos apat na oras makaraang magpumilit ang ilang mga opisyal sa WPD na huwag nang dalhin sa WPD-SOG si Fernandez.
Napag-alaman na ilan din ang nagtangkang magsuhol sa mga umarestong awtoridad kay Fernandez para hindi na madala sa himpilan ng pulisya ang huli.
Sinabi ni Atienza na hindi na niya papayagan na makialam ang mga opisyal ng pulis na sumisira sa kampanya nila sa kriminalidad sa lungsod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest