^

Metro

3 kidnapper/killer ni Betty Chua Sy kinasuhan

-
Sinampahan na ng kasong kriminal ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) sa Department of Justice (DOJ) ang tatlong nahuling suspect na sangkot sa brutal na pagdukot at pagpaslang sa Coca-Cola executive na si Betti Chua Sy.

Kasabay nito, prinisinta rin kahapon ni NAKTAF chairman Angelo Reyes ang mga nahuling kidnappers ni Sy na nakilalang sina Fernando Niegos, lider ng Waray-waray kidnap-for-ransom gang at mga kasamahang sina Lucencio Saliente at Franco Artoza.

Isang kontrobersiyal na kaso ang kay Sy kung kaya sa DOJ ito isinampa sa layuning mapabilis ang pagparusa sa mga suspects na sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Magugunitang si Sy ay dinukot sa Quezon City noong Nobyembre 17 at natagpuang patay sa Diosdado Macapagal Boulevard sa Parañaque City kinabukasan.

Ang suspect na si Artoza ay nadakip noong Enero 4, 2004 sa Barangay Macanip, Jaro, Leyte, habang si Niegos ay nasakote noong Enero 1 sa nabanggit ding lugar.

Una namang napasakamay ng mga awtoridad si Saliente, self-confessed gunman ni Sy na nahuli sa isang checkpoint sa Tacloban City noong Disyembre 24 sa San Juanico bridge sa Tacloban City. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELO REYES

BARANGAY MACANIP

BETTI CHUA SY

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOSDADO MACAPAGAL BOULEVARD

ENERO

FERNANDO NIEGOS

FRANCO ARTOZA

JOY CANTOS

SY

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with