Cop killer pumalag sa aresto dinedo
January 7, 2004 | 12:00am
Isang dinakip na umanoy magnanakaw at sangkot din sa pagpaslang sa isang pulis ang iniulat na nasawi makaraang pumalag sa mga awtoridad na umaaresto sa kanya kamakalawa sa Tondo, Maynila.
Namatay sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan si Dexter Gualpito na umanoy responsable sa pagnanakaw ng motor at pagpaslang sa pulis na si PO2 Nelson Gonzales noong nakalipas na Disyembre 31 sa Maynila.
Ayon sa inisyal na ulat, ilang oras na ginalugad ng mga awtoridad ang Road 10 sa kanto ng Lakandula St. sa Tondo upang arestuhin ang naturang suspect.
Natunton naman ito ng mga awtoridad at nang dadalhin na sa presinto ay nagreklamo itong mahigpit ang kanyang posas.
Pansamantala namang inalis ng mga umarestong pulis ang posas nito upang ayusin subalit bigla na lamang nitong inagaw ang baril ng isang pulis at saka mabilis na tumakbo.
Dahil dito, napilitan ang mga pulis na paputukan ang suspect na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended