^

Metro

Waste facility sa Navotas bumubuga ng lason?

-
Pinangangambahan ng maraming residente ang umano’y lason na ibinubuga ng 10-ektaryang waste facility na matatagpuan sa Barangay Tanza, Navotas na lumalason hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa mga isda at iba pang lamang-dagat na makukuha sa mga karagatan ng Metro Manila.

Kaugnay nito, nakatakdang maghain ng reklamo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga apektadong residente ng Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area at ng Obando, Bulacan dahil sa perwisyo sa kalusugan na idinudulot ng Navotas Waste Facility.

Ayon naman sa mga residente ng Obando, Bulacan, labis ang nagiging epekto ng Navotas Waste Facility sa kanilang pamumuhay lalo na sa maliliit na mangingisda na umaasa lamang sa kanilang nahuhuling isda sa araw-araw.

Anila, maging ang mga dinadala nilang isda sa mga lokal na pamilihan ay naaapektuhan na rin ng ‘toxic fumes’ na nagmumula sa nasabing waste facility na umano’y labis na nakakasira sa ating mga likas-yaman.

Hihilingin rin ng mga residente sa DENR ang agarang pagsagawa ng imbestigas-yon hinggil sa operasyon ng Navotas Waste Facility na umano’y may dalawang taon ng nag-ooperate na walang kaukulang safety measures.

Nabatid na may mahigit 30-toneladang mga basura ang itinatapon kada-araw sa nasabing waste facility kung saan ay iniimbak lamang umano ito sa tabi ng ilog at tinatabunan ng lupa na aanurin naman ng tubig ilog patungo sa mga karagatan ng Metro Manila.

Napag-alaman rin na ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente sa Obando, Bulacan ay pangingisda kung kaya’t labis na nangangamba ang mga ito na marami ang magugutom na pamilya sa kanilang lugar kung hindi bibigyang pansin ng DENR ang nasabing problema.

Sa kabila na rin umano ng hindi pagsunod ng Navotas Waste Facility sa mga tamang reglamento ng DENR ay patuloy pa rin itong nag-ooperate hanggang sa kasalukuyan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BARANGAY TANZA

BULACAN

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

FACILITY

METRO MANILA

NAVOTAS WASTE FACILITY

OBANDO

ROSE TAMAYO

WASTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with