Nakorner ng mga tauhan ng WPD-Homicide Division ang mga papatakas na suspect na sina Isaac Baltazar, 23, helper ng #1934 A. Francisco St. at isang Pancho Nagbuya, 50, ng #2227 Road, 16 Fabie St., Sta. Ana, Manila.
Si Baltazar ay nadakip sa loob ng junk shop sa A. Francisco St., habang si Nagbuya naman ay naaresto sa Fabie St. dakong alas-5 ng hapon.
Ang mga suspect ay itinuturong dalawa sa apat na pumaslang sa political coordinator ni Atienza na si Noel Vibas, 40, ng #1866 Int., 12 Eloriaga St., Sta. Ana, Manila at pamamaril kina Edith Tomano at Aniceto Polar.
Si Vibas ay agad na namatay matapos itong magtamo ng tama ng bala mula .9mm na baril, samantalang si Tomano namay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital. Si Polar naman ay kasalukuyang inoobserbahan sa nabanggit na pagamutan.
Magugunitang dakong alas-10 ng gabi ng Dec. 30, 2003 ay pinaulanan ng bala ng apat na suspect ang mga biktima na sanhi ng pagkamatay nina Vibas at Tomana at matindi namang pagkasugat ni Polar. (Ulat ni Gemma Amargo)