^

Metro

2 sa pumatay sa coordinator ni Mayor Atienza nasakote

-
Naaresto na ng pulisya ang dalawa sa apat na mga suspect sa pagpatay sa political coordinator ni Manila City Mayor Lito Atienza Jr., kamakalawa ng hapon sa Lungsod ng Maynila.

Nakorner ng mga tauhan ng WPD-Homicide Division ang mga papatakas na suspect na sina Isaac Baltazar, 23, helper ng #1934 A. Francisco St. at isang Pancho Nagbuya, 50, ng #2227 Road, 16 Fabie St., Sta. Ana, Manila.

Si Baltazar ay nadakip sa loob ng junk shop sa A. Francisco St., habang si Nagbuya naman ay naaresto sa Fabie St. dakong alas-5 ng hapon.

Ang mga suspect ay itinuturong dalawa sa apat na pumaslang sa political coordinator ni Atienza na si Noel Vibas, 40, ng #1866 Int., 12 Eloriaga St., Sta. Ana, Manila at pamamaril kina Edith Tomano at Aniceto Polar.

Si Vibas ay agad na namatay matapos itong magtamo ng tama ng bala mula .9mm na baril, samantalang si Tomano nama’y nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital. Si Polar naman ay kasalukuyang inoobserbahan sa nabanggit na pagamutan.

Magugunitang dakong alas-10 ng gabi ng Dec. 30, 2003 ay pinaulanan ng bala ng apat na suspect ang mga biktima na sanhi ng pagkamatay nina Vibas at Tomana at matindi namang pagkasugat ni Polar. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANICETO POLAR

EDITH TOMANO

ELORIAGA ST.

FABIE ST.

FRANCISCO ST.

GEMMA AMARGO

HOMICIDE DIVISION

ISAAC BALTAZAR

MANILA CITY MAYOR LITO ATIENZA JR.

NOEL VIBAS

PANCHO NAGBUYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with