3 paslit isinilid sa sako, ibinitin ng magulang na adik
January 3, 2004 | 12:00am
Magkasama ngayong humihimas ng rehas na bakal ang isang mag-live-in-partner na kapwa hinihinalang bangag sa illegal na droga matapos na ireklamo ng kanilang tatlong anak ng sobrang pang-aabuso kung saan isinilid sila sa sako saka ibinitin sa lungsod ng Maynila.
Nakadetine ngayon sa Manila Integrated Jail ang mga suspect na kinilalang sina Rafael at Leonora Oreiz, kapwa residente ng Block 17, Lot 8, Brgy. 649, District 5, Port Area, Manila.
Sa ulat ng Western Police District-Womens and Childrens Desk, naaresto ang dalawa ng mga opisyal ng barangay matapos na isang kapitbahay ng mga ito ang makatuklas sa panggugulpi sa mga bata na nagkakaedad 7, 6 at 4-taong gulang.
Nang magresponde ang mga kagawad ng barangay ay natiyempuhan ng mga ito ang dalawa na sumisinghot ng rugby.
Sa salaysay ng mga biktima, kabilang sa pang-aabusong ginagawa sa kanila ay ang panunutok ng patalim, pagsilid sa sako at pagbibitin sa kisame sa tuwing nakakasinghot ng rugby ang dalawa.
Nahaharap ngayon sa kasong multiple child abuse at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Anti-Illegal Drugs Act of 2002 ang mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 18, 2025 - 12:00am