4 bata nasabugan ng inipong pulbura
January 2, 2004 | 12:00am
Apat na batang lalaki ang malubhang nasugatan makaraang masabugan ng inipon ng mga itong pulbura ng rebentador na kanilang sinindihan sa Marikina City kahapon ng umaga.
Ang mga biktima na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan ay nakilalang sina John Den Lapuz, 12 anyos; Gian Lodillo, 12; magkapatid na Arnie, 5, at Joel Osorio, 3 anyos; pawang residente ng Kaolin St. , Twin River Subdivision, Parang, ng nasabing lungsod.
Base sa imbestigasyon ng Marikina City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:40 ng umaga nang mamulot umano ng pulbura ng rebentador na di pumutok ang apat na paslit na inilagay ng mga ito sa isang bote at saka sinindihan.
Nabatid na nagkatuwaan lamang ang naturang mga musmos na subukang sindihan ang mga pulbura ng mga napulot nilang di sumabog na mga paputok.
Sumabog ang rebentador at nahagip ang apat na bata na pawang duguang isinugod sa pagamutan. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended