^

Metro

3 pulis inireklamo ng pagnanakaw

-
Tatlong pulis ng Baler Police Station ng Central Police District Command ang inireklamo ng isang negosyante sa Criminal Investigation Unit ng CPDC hinggil sa pagnanakaw umano ng mga ito sa kanyang mga panindang pre-paid cards sa Quezon City.

Sa reklamo ng biktimang si Bryan Lim, 23, ng #20 Christian St., Grace Village, Brgy. Apolonio Samson, Quezon City, ganap na alas-10:30 ng gabi habang siya ay sakay ng kanyang minamanehong Toyota Corolla (TGB-867) sa kahabaan ng Visayas Avenue ay hinarang siya ng 3 pulis na nakatalaga sa may checkpoint sa Brgy. Vazra, QC, malapit sa McDonald’s.

Pinahinto umano ng naturang mga pulis na hindi naman napangalanan ng biktima at saka tiningnan ng mga ito ang kanyang driver’s license.

Nang walang makitang paglabag, sapilitang binuksan ng mga pulis ang dala nitong bag na naglalaman ng mga pre-paid cards na may halagang P126,901.25.

Walang anu-ano ay nilimas ng naturang mga pulis ang naturang pre-paid cards at saka siya hiningan ng permit bilang katunayan na pinahihintulutan siyang magbenta ng pre-paid cards.

Sinabi pa ng biktima na dinala siya ng tatlong pulis sa Police Community Precinct 5 ng Baler Police Station at sinabihang balikan na lamang ang panindang pre-paid cards kung mayroon na itong permit.

Gayunman, nanindigan ang biktima sa batas na "no touch policy" sa mga itinalagang PNP checkpoints kaya’t hindi maaaring pakialaman ng sinuman ang kanyang mga personal na kagamitan.

Ang kasong ito ay patuloy na binubusisi ng pulisya habang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga inireklamong mga pulis ng Baler Station. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

BALER POLICE STATION

BALER STATION

BRGY

BRYAN LIM

CENTRAL POLICE DISTRICT COMMAND

CHRISTIAN ST.

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with