Nakilala ang mga nasawi na sina Christopher Ching, 25; Juanita Cunanan, 80; at dalawa pang hindi nakikilalang biktima na labis na nasunog ang mukha at katawan.
Bukod dito, isa pa ang nasugatan na nakilalang si Vermine Garcia, 56.
Ayon sa ulat, dakong alas-7:50 ng gabi nang bigla na lamang umapoy ang inuupahang kuwarto ni Nicanor Leonardo na pag-aari ng isang Marites Teves na matatagpuan sa #468 2nd Avenue. Bo. Maligaya, Barangay 120, Caloocan City.
Nabatid na bigla ang paglaki ng apoy at agarang nilamon ang buong kabahayan hanggang sa kumalat ito bunga ng malakas na hangin at nadamay ang mahigit sa 200 kabahayan. Tinatayang aabot sa 500 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog.
Ang sunog ay tumagal ng anim na oras at umabot sa Task Force Charlie. Tinataya ring aabot sa P10 milyong halaga ng ari-arian ang naabo kung saan dakong alas-8:30 ng umaga nang makita ang bangkay ng mga biktima.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga kagawad ng pamatay-sunog sa naganap na insidente.(Ulat ni Rose Tamayo)