Ito ang naging reaksyon kahapon ni Fernando kaugnay sa naganap na kaguluhan sa pagitan ng MMDA Clearing Operation personnel at grupo ng illegal vendor na nauwi sa madugo at ikinasugat ng apat na katao.
Inakusahan pa nito na namumulitika lamang aniya ang LGU at pinaaasa nila ang mga vendor para lamang makakuha sa mga ito ng boto.
Kapalit ng pangakong tutulungan silang makapagtinda sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila partikular na sa area ng Baclaran, gayung malinaw na ang mga ito ay lumalabag sa batas.
Nanawagan si Fernando sa ilang LGU na huwag namang paasahin at pangakuan ang mga vendor na target naman sa kanilang isinasagawang paglilinis.
Nagbigay din ng ultimatum ang MMDA at tiniyak na hindi sila matatakot sa pagbuwag sa mga illegal sidewalk vendor. (Ulat ni Lordeth Bonilla)