Mag-asawang Tsinong trader kritikal sa holdap
December 29, 2003 | 12:00am
Kapwa nasa kritikal na kondisyon sa kasalukuyan ang mag-asawang Chinese traders makaraang saksakin at holdapin ang mga ito ng apat na kalalakihan na pawang mga miyembro ng hold-up and robbery gang, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.
Kapwa inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktima na sina Zhang Zhao Chuan, 31, na nagtamo ng saksak sa kaliwang mata at braso at ang asawa nito na si Lele Yan, 30, pawang mga residente ng #2719 Taft Avenue ng nabanggit na lungsod.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan at agarang ikadarakip ng mga suspect na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6 sa kahabaan ng Taft Avenue Extension malapit sa Rotonda, Pasay City.
Nabatid na kasalukuyang sakay ang mag-asawa at ang mga suspect sa isang pampasaherong jeep nang bigla na lamang nagdeklara ng holdap ang mga huli.
Tinangka umano ng mga biktima na manlaban sa mga suspect subalit bigla na lamang silang pinagsasaksak ng mga ito sabay kuha ng kanilang mga alahas at di-mabatid na halaga ng pera.
Agad na tumakas ang mga suspect sa di-mabatid na direksyon habang ang mga biktima naman ay agad na isinugod ng mga by-standers sa nabanggit na pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest