Pekeng NAKTAF agent kalaboso
December 28, 2003 | 12:00am
Sa kagustuhang makapanood ng libreng concert ng sikat na grupong F-4, kalaboso ang sinapit ng isang 37-anyos na lalaki makaraang magpakilala itong ahente ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF), kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Ang suspect na sasampahan ng kasong usurpation of authority ng pulisya ay nakilalang si Ariel Villanueva, LRT technician, residente ng #114 St. Almen Village ng lungsod na ito.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng gabi nang magpumilit na pumasok ang suspect sa binabantayang gate ni Guia Palanca sa Entrance B ng Philippine Sports Commission Arena kung saan ginaganap ang concert ng F-4.
Napag-alaman na hinihingan ni Guia ang suspect ng tiket subalit imbes na tiket ang ilabas ay nagpakilala itong ahente ng NAKTAF na nakatalaga sa Camp Crame. Sinubukan naman ni Guia na kunin ang ID ng suspect subalit wala rin itong maipakita.
Dahil sa kaduda-duda ang kilos ng suspect ay agad na tumawag ang nasabing bantay sa Camp Crame at kinumpirma sa ahensya ng NAKTAF kung mayroon silang ahente na ganoon ang pangalan. Itinanggi naman ng nasabing ahensya na mayroon silang ahente na ganoon ang pangalan. Agad na ipinahuli ni Guia ang suspect sa pulisya. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended