Binata tinarakan ng tiyo dahil sa sigarilyo
December 27, 2003 | 12:00am
Kritikal ang isang 22-anyos na binata matapos itong saksakin ng kanyang tiyuhin nang mapahiya ang huli makaraang tumanggi ang una na magbigay ng isang stick ng sigarilyo, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.
Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdib at tiyan ang biktimang si Armando dela Cruz, ng 152 Bautista Compound, Arkong Bato, Valenzuela.
Kalaboso naman ang suspect na si Benjamin Tacursing, 43, ng nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng mag-tiyo.
Masaya umanong ipinagdiriwang ng kanilang pamilya ang kapaskuhan nang manghingi ng sigarilyo ang suspect sa pamangkin subalit tinanggihan ito ng huli sa dahilang iisa na umano ang kanyang sigarilyo.
Dahil dito, labis na nagdamdam ang suspect kung kayat kinompronta ang pamangkin hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Nagpalitan nang maaanghang na salita ang mag-tiyo kung saan biglang tumungo sa kusina ang suspect at pagbalik ay may dala ng patalim at walang sabi-sabing inundayan ng saksak sa katawan ang biktima.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima, habang agad namang dinakip ang suspect na tiyo. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended