3 kotongero sa mga batang namamasko,natimbog
December 26, 2003 | 12:00am
Tatlong lalaki ang inaresto ng pulisya makaraang maaktuhang nangingikil ng pera sa mga batang namamasko, kahapon ng umaga sa Pasig City.
Nakilala ang mga dinakip na sina Allan Bituin, 26; Randy Cordero, 27 at Ric Mendoza, 32, pawang residente ng Barangay Palatiw ng nasabing lungsod.
Ang mga nabanggit ay dinakip makaraang ireklamo ng mga magulang ng mga batang kanilang kinikikilan ng halagang P20 bawat isa.
Ayon sa ulat naaktuhan ang mga suspect dakong alas-10 ng umaga sa Pasig Public Market habang hinihingan ng napamaskuhan ang limang batang kanilang hinarang.
Kasalukuyang nakapiit sa Pasig police detention cell ang tatlong suspect at inihahanda na ang kaso laban sa mga ito. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended