Anjanette Abayari pinayagan nang makabalik sa 'Pinas

Makakabalik na sa bansa ang aktres na si Anjanette Abayari matapos ang tatlong taon pagkaka-ban dito dahil sa pagiging drug dependent.

Ito’y matapos na aprubahan na ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Andrea Domingo ang kahilingan ni Anjanette na alisin na siya sa blacklist ng bureau upang muling makakuha ng prebiliheyo na maging Filipino citizen.

Bunga nito’y nagpalabas si Domingo ng order kung saan sinabi nitong inaaprubahan niya ang kahilingan ng aktres dahil na rin sa humanitarian consideration ng tanggapan.

Inatasan din nito si Abayari na mag-report sa tanggapan ng BI sa loob ng sampung araw sa oras na makauwi na ito sa bansa para na rin makapag-apply ng kanyang dual citizenship.

Magugunita na si Abayari ay naging blacklisted simula noong Nobyembre 4, 1999 makaraang mahuli ito sa Guam Airport na nag-iingat ng ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Grace dela Cruz)

Show comments