Obrero nahulog sa ginagawang gusali,patay
December 24, 2003 | 12:00am
Isang 21-anyos na obrero ang minalas na nasawi makaraang aksidenteng mahulog sa ginagawang gusali, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang nakilalang si Danilo Medina, binata at residente ng #118 Legaspi St., Pasay City.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-2:20 ng hapon sa ginagawang gusali ng Sheraton Marina Hotel sa panulukan ng M.H. del Pilar at Pedro Gil Sts., Malate, Manila.
Nabatid na nasa kasagsagan ng pagtatrabaho ang biktima na umaabot ng materyales na iniaakyat sa gusali nang aksidenteng madulas ito.
Dire-diretsong nahulog ang biktima buhat sa ikaanim na palapag ng gusali at bumagsak sa semento.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang patay na ito dahil sa tinamong basag ng bungo at bali sa katawan.
Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung nagkaroon ng foul play sa naturang insidente. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended