Kung maaaprubahan ang nasabing kahilingan ay kakainin nito ang 12 sentimo kada-KWh na una nang inaprubahan ng ERC bilang dagdag singil ng MERALCO sa kuryente simula sa Enero, 2004.
Nabatid na nakasaad sa batas na ang lahat na gagawing adjustments sa singil sa kuryente ay dapat dumaan sa ERC.
Sa petisyon ng MERALCO, nakasaad dito na binawasan na ng mga Independent Power Producers (IPPs) noong Oktubre ang sinisingil nito sa kanilang generation charges.
Kabilang sa mga IPPs na kinukuhanan ng MERALCO ng 50 porsiyento ng kuryente ay ang Duracom, First Gas Power at Quezon Power LTD. and Company.
Ayon sa MERALCO, kung sakaling maaprubahan ang 18.52 sentimong bawas sa generation charges ay magiging P3.2177 kada KWh na lamang mula sa kasalukuyang P3.4029 kada KWh ang singil sa kuryente. (Ulat ni Edwin Balasa)