Obrero patay sa kalabang gang
December 21, 2003 | 12:00am
Hindi na nasilayan pa ang Kapaskuhan ng isang 21-anyos na obrero matapos barilin ng isa sa dalawa nitong kalaban sa "street gang" habang ang una ay nakikipag-inuman kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Caloocan.
Patay na nang idating sa Tala Hospital sanhi ng isang tama ng bala ng di nabatid na kalibre ng baril sa ulo ang biktimang si Jonathan Garcia, ng Phase 9, Package 7-B, Block 8, Lot 4, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.
Pinaghahanap naman sa kasalukuyan ng mga awtoridad ang dalawang suspect na nagngangalang Balong Hernandez at Arwin Kainbon, pawang responsable sa pagkamatay at kalabang mortal ng biktima.
Sa ulat ni PO2 Julian Chavez, may hawak ng kaso, dakong alas-4:30 ng hapon nang maganap ang naturang insidente at di-kalayuan sa bahay ng biktima.
Bago ang insidente, ang biktima at ang magkapatid nitong kaibigan na sina Noly Paulo at Richard ay kasalukuyang nag-iinuman nang biglang dumating ang dalawang suspect na pawang miyembro ng "Indiana Court" gang at armado ng baril.
Minabuti ng biktima at mga kainuman nito na umiba ng lugar para makaiwas sa dahilang wala silang armas na ipanlalaban sa mga suspect sakaling magkaharap ang mga ito.
Subalit lingid sa kaalaman nila ay sinusundan sila ng dalawang suspect hanggang sa bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril at duguang humandusay ang biktima na may isang tama ng bala sa ulo.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang dalawang suspect habang ang biktima ay agarang isinugod sa nasabing pagamutan subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.
Napag-alaman naman sa ilang kapitbahay ng biktima na mortal na magkaaway ang gang ng biktima at kinaanibang gang naman ng dalawang suspect na pawang gustong maghari-harian at maghasik ng kaguluhan sa kanilang lugar. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest