^

Metro

2 dalagita tinarakan habang papunta sa Simbang Gabi

-
Dalawang dalagita ang nasa malubhang kalagayan makaraang pagsasaksakin ng dalawa ring kabataang babae habang patungo ang mga biktima sa simbahan, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City.

Nakilala ang mga biktima na ginagamot ngayon sa Amang Rodriguez Medical Center na sina Rizalyn Cruel, 16 at Maryrose de Jose, 17, kapwa residente ng Barangay Barangka ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspect na nakilala lamang sa alyas na Melissa at Lovely.

Ayon sa ulat, kasalukuyang naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Bantayog St., Concepcion Uno ng nabanggit na lungsod dakong alas-3:20 ng madaling- araw para magtungo sa simbahan at dumalo sa ‘Simbang Gabi’

Nadaanan ng mga ito ang isang grupo ng mga kabataan na doon kabilang ang dalawang suspect na sa hindi batid na dahilan ay biglang hinarang ang mga biktima.

Walang sabi-sabing inundayan ng mga suspect ng saksak ang dalawang biktima at pagkatapos ng ginawang pananaksak ay mabilis na itong nagsitakas.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ng mga saksi ang dalawang biktima, habang pinaghahanap naman ang dalawang suspect na pinaniniwalaang miyembro ng isang grupo ng fraternity. (Ulat ni Edwin Balasa)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

AYON

BANTAYOG ST.

BARANGAY BARANGKA

CONCEPCION UNO

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

RIZALYN CRUEL

SIMBANG GABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with