^

Metro

Lumpo nagbigti

-
Mas minatamis na lamang ng isang 45-anyos na lalaki na kitlin ang kanyang buhay kaysa habambuhay na maawa sa sarili at sa pamilya dahil sa pagkalumpo dulot ng sakit na diabetes matapos na magbigti ito, kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Maynila.

Nakilala ang biktima na si Roberto Zamora, binata ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, nadiskubre lamang ang ginawang pagpapakamatay ng biktima dakong alas- 7 ng umaga sa loob ng kuwarto nito ng kanyang ina na si Engracia.

Bago umano ito matulog, narinig na nagsisisigaw ito dahil sa nararamdamang sakit sa katawan at natahimik lamang ng aluin ng kanyang ina.

Sinabi ni Aling Engracia na gigisingin na niya ang anak para mag-almusal subalit nagulat siya nang makitang nakabitin sa may kisame ng kuwarto ang kanyang anak. Isang nylon cord ang ginamit nito sa pagbibigti.

Ayon naman sa kaibigan nitong si Juanito Aspeli, nakipagkuwentuhan pa sa kanya ang biktima bago ito magpakamatay.

Naibulalas nito ang sama ng loob at awa sa sarili dahil sa pagiging pabigat sa pamilya buhat nang maputol ang dalawa nitong paa dulot ng sakit na diabetes na ilang taon nang nagpapahirap sa kanya lalo ngayong panahon ng tag-lamig.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga awtoridad ukol sa insidente upang mabatid kung may foul play dahil sa palaisipan sa kanila kung papaano nagawang magbigti sa kisame ng isang lumpo. (Ulat ni Danilo Garcia)

ALING ENGRACIA

AYON

DANILO GARCIA

ENGRACIA

ISANG

JUANITO ASPELI

MAPA ST.

MAYNILA

NAGSASAGAWA

ROBERTO ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with