Ito ang inihayag kahapon ni PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr.
Sinabi ni Avenido na sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay mababantayang mabuti ang progreso ng mga kaso ng droga laban sa naarestong drug traffickers na nililitis sa mga korte.
"The main cause of the dismissal of drug cases is the non-appearance of the witnesses. This is particulary in Metro Manila where the bulk of drug cases are now pending," paliwanag pa ni Avenido.
Binigyang diin pa ni Avenido na kapag may mga nakamasid na court watchers ay magiging alerto ang mga huwes, prosecutor at maging ang mga testigo.
Nabatid kay Avenido na kinuha nila ang serbisyo ng mga kasapi ng VACC dahilan na rin sa kasanayan ng mga ito sa mga kaso ng karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Joy Cantos)