^

Metro

VACC members gagawing drug court watchers

-
Upang maiwasang madismis ang mga kasong may kinalaman sa illegal na droga sasanayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) upang gawing drug court watchers.

Ito ang inihayag kahapon ni PDEA Executive Director General Anselmo Avenido Jr.

Sinabi ni Avenido na sa pamamagitan ng nasabing hakbang ay mababantayang mabuti ang progreso ng mga kaso ng droga laban sa naarestong drug traffickers na nililitis sa mga korte.

"The main cause of the dismissal of drug cases is the non-appearance of the witnesses. This is particulary in Metro Manila where the bulk of drug cases are now pending," paliwanag pa ni Avenido.

Binigyang diin pa ni Avenido na kapag may mga nakamasid na court watchers ay magiging alerto ang mga huwes, prosecutor at maging ang mga testigo.

Nabatid kay Avenido na kinuha nila ang serbisyo ng mga kasapi ng VACC dahilan na rin sa kasanayan ng mga ito sa mga kaso ng karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

AVENIDO

BINIGYANG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EXECUTIVE DIRECTOR GENERAL ANSELMO AVENIDO JR.

JOY CANTOS

METRO MANILA

NABATID

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with