Malupit na ama-amahan kinatay ng stepson
December 19, 2003 | 12:00am
Nagtapos ang kalupitan ng isang 46-anyos na ama-amahan nang tadtarin ito ng saksak ng kanyang stepson matapos na magdilim ang paningin ng huli sa ginagawang panggugulpi ng una sa kanyang ina, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang biktimang si Romeo Embenso, 46, walang trabaho, at residente ng Gate 1 Area A Pier 2 Parola Compound, Tondo.
Nagsasagawa ngayon ng manhunt ang pulisya upang madakip ang tumakas na suspek na si Carlito Nuvio, 22, tindero, at residente rin ng naturang lugar.
Sa ulat ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na magdamag na nakipag-inuman si Embenso at nang umuwi ay lango na sa alak at pinagmumura nito ang mga naabutang kasambahay.
Dito naman dumating ang kanyang anak-anakan na si Nuvio dala ang mga paninda nito. Kinompronta naman siya ni Embenso at hiningan ng pera ngunit tumangging magbigay ang suspek na naging dahilan upang agawin ang kanyang paninda at ihagis sa kalsada ng biktima.
Nakita naman ito ng ina ni Nuvio na si Rosauro na nagpumilit na umawat at mamagitan sa kanyang ka-live-in at anak. Hindi naman nagpaawat si Embenso kung saan si Rosauro naman ang pinagbalingan nito ng galit at sinaktan.
Hindi na ito pinalagpas ni Nuvio na agad na kumuha ng patalim at sunud-sunod na pinagsasaksak ang ama-amahan hanggang sa matiyak nitong wala na itong buhay bago tumakas.
Ayon naman sa mga kapitbahay, kilalang lasenggo umano si Embenso sa naturang lugar at palamunin na lamang ng pamilya nina Nuvio. Madalas rin nilang nakikitang ginugulpi ng biktima si Rosauro kapag walang maibigay na pera ito na pang-inom. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 29, 2024 - 12:00am