2 WPD officials sinibak dahil sa illegal vendors
December 18, 2003 | 12:00am
Dalawang mataas na opisyal ng Western Police District (WPD) ang pinasibak ni Manila Mayor Lito Atienza Jr. dahilan sa kabiguan ng mga ito na mapigilan ang nagkalat na illegal vendors sa kanilang mga nasasakupan.
Dahil sa galit ni Atienza kaagad nitong tinawagan si WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong at agad na pinasisibak sa kanilang puwesto sina Supt. Bernardo Diaz ng Station 11 at Juan Luna PCP commander na si Senior Insp. Arsenio Reparit.
Nabatid na dakong alas- 10 ng umaga ng sorpresang mag-ikot si Atienza sa mga lugar sa Juan Luna at Divisoria upang mag-inspeksyon subalit laking gulat nito ng ma-trapik ang kanilang grupo sa naturang lugar.
Nadiskubre ng Alkalde na ang dahilan ng masikip na daloy ng trapiko ay ang nagkalat na illegal vendors na halos nasa gitna na ng kalsada, isama pa dito ang mga illegal parking ng mga sasakyan.
Sa sobrang galit ni Atienza tinawagan nito si Bulaong sa cellphone at sinabing walang kakayanan ang dalawang opisyal sa kanilang mga puwesto dahil sa hindi kaya ng mga ito na sugpuin ang mga illegal vendors. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended