^

Metro

GMA nag-Santa Claus sa Smokey

-
Namahagi kahapon si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng maagang pamasko sa mga taga-Smokey Mountain matapos siyang dumalo sa Misa de Gallo sa naturang lugar.

Ang regalong ipinagkaloob ng Pangulo sa mga residente ay ang sertipiko ng pagmamay-ari ng lupa at tirahan sa may 764 pamilya para makalipat sila kaagad sa Permanent Housing ng Smokey Mountain Development Reclamation Project.

Ayon kay National Housing Authority (NHA) General Manager Edgardo Pamintuan na ang pamamahagi ng sertipiko ng pagmamay-ari ng lupa at tirahan ay isang pagtupad ng Pangulo sa kanyang pangako na pagkakalooban ng disenteng tirahan ang mga taga-Smokey Mountain.

Sinabi ni Pamintuan na ang nalalabing 1,500 pamilyang nasa temporaryong tirahan sa Smokey Mountain ay tiyak ding maililipat ng permanenteng tirahan sa susunod na taon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

GALLO

GENERAL MANAGER EDGARDO PAMINTUAN

LILIA TOLENTINO

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PERMANENT HOUSING

SMOKEY MOUNTAIN

SMOKEY MOUNTAIN DEVELOPMENT RECLAMATION PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with