^

Metro

Welder naboga ang sarili

-
Sabog ang kanang mata at agad na nasawi ang isang welder matapos na aksidenteng makalabit ang gatilyo ng kanyang baril kahapon ng madaling-araw sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ang nasawi na si Cristino Badlang, 41, ng Phase 1 Lupang Pangako, Payatas B, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Joseph Madrid ng CPD-CIU naganap ang insidente bandang alas-5 ng madaling-araw sa tahanan ng biktima.

Batay sa salaysay ng live-in partner nito na si Editha kasalukuyan siyang natutulog nang bigla niyang marinig ang isang malakas na putok ng baril sa kanyang tabi.

Pagbalikwas niya ay nakita niya ang katabing si Badlang na duguan na ang mukha at sa tabi ay nandoon ang isang .38 kalibreng baril.

Hinihinala ng pulisya na nililinis ng biktima ang baril at sa hindi inaasahan ay bigla itong pumutok.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigayon ng pulisya para matiyak na walang naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Ulat ni Anna Sanchez)

vuukle comment

ANNA SANCHEZ

BADLANG

BATAY

CRISTINO BADLANG

EDITHA

HINIHINALA

JOSEPH MADRID

LUPANG PANGAKO

PAYATAS B

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with