Bading naawa sa sarili,nagbigti

"Kagustuhan ko ito, huwag ninyo akong sisihin".

Ito ang malungkot na paalam na nakasulat sa suicide note ng isang bading na natagpuan na nagbigti sa loob ng tinutuluyan nitong bahay, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Lawit ang dila at nangingitim na nang matagpuan si Crispin Jugo, 35, ng Phase 4, Package 5, Block 38, Lot 7 Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ni Jugo na nakabitin sa loob ng kanilang bahay.

Isang alambre ang ginamit nito sa kanyang pagpapakamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na pagkaawa sa sarili ang nasa likod ng pagpapatiwakal ng biktima dahil umano kapag ito ay nanghihingi ng pera sa kanyang ama at kapatid ay lagi itong nabibigo kaya minabuti na lamang nitong wakasan ang kanyang buhay.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments