^

Metro

1 pang shabu laboratory sinalakay

-
Isa na namang shabu laboratory na pag-aari ng isang dayuhang Intsik ang sinalakay kamakalawa ng mga awtoridad sa Parañaque City.

Hindi naman naabutan ng pulisya ang suspect na nakilalang si Jack Chun, na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

Ayon sa ulat, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Parañaque City police sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Hansen Rodriguez ng Parañaque City RTC Branch 78 ang isang bahay na matatagpuan sa Lot 15. Block 7, Cairo St., Multinational Village, Barangay Moonwalk ng nabanggit na lungsod.

Dito nabatid na ginawang shabu laboratory ni Chun ang bahay.

Nasamsam sa raid ang iba’t bang laboratory paraphernalias, laboratory apparatus at mga chemical na gamit sa paggawa ng shabu na aabot sa milyong halaga.

Mabilis namang nakapuga ang suspect na si Chun bago pa man dumating sa lugar ang mga awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MOONWALK

CAIRO ST.

DITO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INTSIK

JACK CHUN

JUDGE HANSEN RODRIGUEZ

LORDETH BONILLA

MULTINATIONAL VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with