SAF kalaboso sa pamamaril
December 15, 2003 | 12:00am
Sa pag-aakalang kinukursunada, binaril ng isang bagitong pulis na nakatalaga sa Special Action Force (SAF) ang isang 48-anyos na lalaki na katabi lamang ng lamesa ng una sa isang restaurant sa Makati City kahapon ng madaling-araw.
Nakakulong ngayon sa Makati City Police ang suspect na nakilalang si PO1 Joey G. Maglio, 24, taga-Hornet St., Brgy. Palar Village ng lungsod na ito.
Ginagamot naman sa Ospital ng Makati ang biktima na nakilalang si Angeles Rodriguez, ng #38 Teachers Compound, Brgy. West Rembo ng siyudad na ito, nagtamo ito ng tama sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw, sa loob ng Kambingan Restaurant na matatagpuan sa panulukan ng Kalayaan Avenue Ext. at Lawton Avenue, Brgy. West Rembo, Makati City.
Nabatid na magkatabi lamang ng lamesa ang grupo ng suspect at ng biktima kung saan nagkaroon ang mga ito ng pagtatalo.
Dahil sa pag-aakala ng suspect na kinukursunada siya ng grupo ni Rodriguez ay naasar ito at binunot ang sukbit na baril at pinaputukan ang biktima.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa pagamutan, habang ang suspect naman ay nadakip ng mga rumespondeng pulis. (Ulat ni Lordeth Bo

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended