200 pamilya nawalan ng tirahan sa Malabon fire
December 14, 2003 | 12:00am
Malamang na magdiwang ng kapaskuhan sa kalsada ang may 200 pamilya matapos na mawalan ng tirahan ang mga ito ng tupukin ng apoy ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Sa ulat ni SF04 Job Santisteban ng Malabon fire station, dakong alas 9:44 ng gabi ng magsimula ang apoy sa bahay ni Fernando Gutierrez, 36-anyos sa #25 Basilio st.
Ayon sa salaysay ni Gutierrez, nasa tapat umano siya ng kanyang bahay ng mapansin nito ang usok mula sa bubungan ng kanyang bahay hanggang sa tuluyan itong magliyab at lumaki ang apoy.
Bagamat tinangkang apulahin ang apoy ng mga nagtulung-tulong na mga magkakapitbahay, patuloy pa rin itong kumalat at nadamay ang karatig pang mga kabahayan.
Tumagal pa ng halos dalawang oras ang nasabing sunog samantalang wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended