Trader pinatay ng ex-live-in partner
December 14, 2003 | 12:00am
Isang 56-anyos na babae ang nasawi matapos itong saksakin ng dating live-in partner makaraang hindi bigyan ng pera ng una ang huli kahapon sa Mandaluyong City.
Dead-on-the-spot sanhi ng isang saksak sa kili-kili na tumama sa puso ang biktimang si Amparo Beldad, negosyante, residente ng 634 Evangelista st. Brgy Additionhills ng naturang lungsod.
Kaagad namang naaresto ang suspek na si Simeon Asores,dating live-in partner ng biktima.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa naturang lugar habang nagtitinda ang biktima ng bigla na lamang dumating ang suspek at nanghihingi ng pera kay Beldad.
Subalit dahil umaabuso na sa laging panghihingi ng pera ang suspek sa biktima kung kayat hindi nito binigyan ang dating live-in partner.
Bunsod nito kung kayat nagalit ang suspek at hinila sa tindahan ang biktima sabay hugot ng patalim na nakatago sa kanyang beywang at inundayan ng saksak ang huli na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek subalit kaagad naman itong naaresto ng rumespondeng mga awtoridad. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended