^

Metro

La Salle student nagbaril, patay

-
Dahilan sa umano’y matagal ng hindi nakakapag- trabaho bunsod sa tinataglay na sakit,nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang Electronics Communication Engineering graduates kamakalawa ng hapon sa Maynila.

Halos hindi na makilala ang bangkay ni Jesse Maria Abad, alyas "Otsie", 39, binata ng 785 Noli corner Fidel Reyes Sts. Malate ng nasabing lugar na hinihinalang ilang araw ng patay dahilan sa nabubulok na ito, masangsang ang amoy at nilalangaw na.

Lumalabas sa ulat ni Det. Alfredo Salazar ng Western Police District (WPD) homicide division, dakong alas-4 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng nasawi sa loob ng silid nito na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, huling nakitang buhay ang nasawi ng kanyang dalawang katulong na sina Jenelie at Gener sa kusina noong Miyerkules ng hapon subalit dakong alas-7 ng gabi ng kanilang tatawagin si Abad upang kumain ng hapunan ay walang sumasagot sa kuwarto nito.

Hinayaan na lamang umano ng dalawa ang nasawi at bumaba sa hagdanan subalit laking gulat nila ng mapansin ang mga bakas ng tuyong dugo sa kisame ng kuwarto kayat kaagad nilang ipinagbigay alam sa nakakatandang kapatid nito na si Dr. Leopoldo Abad ang nadiskubre na siyang mabilis na nag-report sa mga awtoridad.

Dito, nadiskubre ang nabubulok ng bangkay ng nasawi katabi ang isang kalibre .22 baril sa ulunan ng higaan nito.

Nabatid na ang nasawi ay matagal ng hindi nagtatrabaho simula pa noong 1992 dahilan sa sakit nitong nawawala sa kanyang sarili kaya’t inaalagaan na lamang ito ng dalawang katulong subalit hindi naman umano ito mapanganib dahil nakakalabas din ito sa kanilang bahay. (Ulat ni Gemma Amargo)

ABAD

ALFREDO SALAZAR

AYON

DAHILAN

DR. LEOPOLDO ABAD

ELECTRONICS COMMUNICATION ENGINEERING

FIDEL REYES STS

GEMMA AMARGO

JESSE MARIA ABAD

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with