Kinilala ang suspect na si Remegio Tobones, ng Blk 87 Lot 15 Pantomina St., Lagro Subdivision ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi makaraang looban ng suspect ang bahay ng kanyang kapitbahay na si Angelito De Mesa.
Kinulimbat nito ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P5,000.
Bago pa man makalabas ng bahay ang suspect ay nakaresponde na ang mga barangay tanod kasama ang ilang tauhan ng pulisya at pinaligiran na ang bahay habang nasa loob si Tobones.
Mabilis na kumuha ng kutsilyo ang suspect at dahil sa wala siyang mabihag sa loob ng bahay ay ang kanyang sarili ang hinostage at tinakot ang mga pulis na magsasaksak kung papasok ang mga ito.
Tinangka naman ng pulisya na kausapin ang suspect para sumuko ng mahinahon subalit nagmamatigas pa ito hanggang sa puwersahin nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay at dinakip ang suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)