^

Metro

Adik hinostage ang sarili

-
Isang 28-anyos na lalaking sabog sa ipinagbabawal na gamot ang hinostage ang kanyang sarili makaraang looban ang bahay ng kanyang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ang suspect na si Remegio Tobones, ng Blk 87 Lot 15 Pantomina St., Lagro Subdivision ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi makaraang looban ng suspect ang bahay ng kanyang kapitbahay na si Angelito De Mesa.

Kinulimbat nito ang cellphone ng biktima na nagkakahalaga ng P5,000.

Bago pa man makalabas ng bahay ang suspect ay nakaresponde na ang mga barangay tanod kasama ang ilang tauhan ng pulisya at pinaligiran na ang bahay habang nasa loob si Tobones.

Mabilis na kumuha ng kutsilyo ang suspect at dahil sa wala siyang mabihag sa loob ng bahay ay ang kanyang sarili ang hinostage at tinakot ang mga pulis na magsasaksak kung papasok ang mga ito.

Tinangka naman ng pulisya na kausapin ang suspect para sumuko ng mahinahon subalit nagmamatigas pa ito hanggang sa puwersahin nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay at dinakip ang suspect. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGELITO DE MESA

ANGIE

BAHAY

CRUZ

ISANG

KINILALA

LAGRO SUBDIVISION

PANTOMINA ST.

QUEZON CITY

REMEGIO TOBONES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with