Guwardiya nag-suicide matapos katayin ang ka-live-in
December 9, 2003 | 12:00am
Isang guwardiya ang nagpakamatay matapos umanong makonsensiya makaraang laslasin niya ang leeg hanggang sa mapatay ang kanyang live-in partner matapos magtalo tungkol sa pagpunta ng huli sa Japan, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan na wala nang buhay ang suspect na si Gray Hill Fabillar, ng 135 E. Flores St., Malibay ng nabanggit na lungsod sa loob ng isang drum na may tubig na dito ito naglaslas ng pulso.
Unang natagpuan kamakalawa ng gabi sa loob ng Room 59, ng Mahal Kita Lodge ang bangkay ng ka-live-in nito na nilaslas ng suspect ang leeg na nakilala namang si Leah Castillano Soldivilla, 26, isang Japayuki.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang 15 inches na military knife (Rambo type).
Nabatid sa ulat ng pulisya na kasama ng biktima sa naturang motel ang suspect at doon naganap ang kanilang pagtatalo makaraang ayaw payagan ng sekyu na muling bumalik sa Japan ang babae.
Ayon sa ilang staff sa motel, nabatid na unang lumabas ng kuwarto ang suspect kung saan ito pa ang nagbayad sa bill. Pagkalipas ng ilang oras ay nakita na nga ang bangkay ni Soldivilla.
Kahapon ng umaga ay natagpuan sa loob ng drum ang bangkay ng suspect na may hiwa sa pulso kaya malaki ang paniwala ng pulisya na nakonsensiya ito sa ginawang pagpaslang sa ka-live-in kaya naisipan na ring magpakamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am