Kasalukuyang inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tinamong 15 saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Gina Bauyon, 31, ng 151 Macopal Alley, Panday Pira St., Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.
Pinaghahanap naman ang suspect na nakilala lamang sa pangalang Nelson Tinola, kilalang ex-convict at talamak na adik sa kanilang lugar na mabilis namang tumakas matapos ang insidente.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa loob ng bahay ng ginang. Nabatid na bago maganap ang nasabing insidente ang suspect ay bangag sa droga at nagwawala sa kanilang lugar. Bigla na lamang itong pumasok sa bahay ng ginang na noon ay mahimbing na natutulog.
Agad na tinangkang halayin ng suspect ang biktima na nanlaban naman sa kabila na malaki na ang kanyang tiyan.
Nang magsisigaw ang biktima ay saka ito pinagsasaksak ng suspect sa ibat-ibang bahagi ng katawan at pagkatapos ay mabilis na tumakas. (Ulat ni Rose Tamayo)